Habang tumatanda, karaniwang  nakakaranas tayo ng memory lapses o pagkalimot. Ngunit kapag ang mga sintomas na ito ay nagiging mas madalas at nakakasagabal sa pang-araw-araw na buhay, ito ay maaaring isang senyales ng demensya. Ang demensya ay isang kondisyon na nakakaapekto sa mga kakayahan sa pag-iisip, kabilang ang memorya, wika, at decision-making skills. Bagama’t walang lunas para sa demensya, ang maagang pagtuklas nito ay makakatulong upang ihanda ang indibidwal at kanilang mga pamilya.  Narito ang iilan sa mga maaagang senyales ng demensya na dapat bantayan:

Pagkawala ng memorya at pagkalimot

Ito ang isa sa mga pinakakaraniwang sintomas ng demensya. Maaaring makalimutan ng mga taong may demensya ang mga kamakailang kaganapan, mahahalagang petsa, o pag-uusap nila sa mga mahal sa buhay. Maaari din ang paulit-ulit na pagtatanong at hirap matandaan ang mahalagang impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o address.

Nahihirapan sa wika at komunikasyon

Ang hirap sa wika at komunikasyun ang isa rin sa mga maagang palatandaan ng demensya.  Kabilang dito ang problema sa paghahanap ng mga tamang salita at problema sa pag-uunawa sa kanilang binabasa.

Disorientation at pagkalito

Ang mga taong may demensya ay maaaring maging disoriented at nalilito lalo na sa hindi pamilyar na kapaligiran. Maaaring nahihirapan silang makilala ang mga pamilyar na mukha o lugar, o maaari silang mawala kahit sa mga pamilyar na lugar. Maaari din silang magkaroon ng problema sa mga spatial na relasyon, tulad ng paghusga sa distansya o pag-navigate sa kanilang kapaligiran lalo na yung may mga hadlang.

Maling paghuhusga at paggawa ng desisyon

Habang lumalala ang demensya, maaaring magkaroon ng problema sa paggawa ng desisyon at paghuhusga. Bukod pa rito, maaaring mahirapan silang magplano o mag-ayos ng mga gawain, tulad ng pagluluto ng pagkain o pagsunod sa iskedyul.

Mga pagbabago sa mood at pag-uugali

Ang demensya ay maaari ding maging sanhi ng mga pagbabago sa mood at pag-uugali. Ang mga taong may demensya ay maaaring maging madaling mairita o mabalisa, o maaari silang maging withdrawn at walang pakialam. Bukod pa rito, maaari din nilang maranasan ang mga pagbabago sa personalidad, tulad ng pagiging mas kahina-hinala o paranoid.

Nahihirapan sa mga pang-araw-araw na gawain

Ang mga taong may demensya ay maaaring mahihirapan sa mga pang-araw-araw na gawain tulad ng pagbibihis, pagligo, o paghahanda ng mga pagkain. Maaari rin silang magkaroon ng problema sa mga pangunahing aktibidad tulad ng paggamit ng telepono o pamamahala ng mga gamot.

Kung ikaw o ang isang mahal sa buhay ay nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito, mahalagang makipag-usap sa isang doktor. Bagama’t walang lunas para sa demensya, ang maagang pagtuklas ay makakatulong sa mga indibidwal at kanilang mga pamilya na magplano para sa hinaharap at masulit ang kanilang oras na magkasama. Bukod pa rito, may mga gamot at iba pang mga therapies na makakatulong na pamahalaan ang ilan sa mga sintomas ng demensya at mapabuti ang kalidad ng buhay.

Find nursing homes faster!