Alam niyo ba

  • 1 hanggang 3 sa kada-isang libong malulusog na sanggol ay maaring magkaroon ng permanent hearing loss
  • Ayon sa Republic Act 9709, ang lahat ng sanggol na ipinanganak sa Pilipinas ay dapat sumailalim sa hearing screening pagkasilang o bago mag-isang buwan

Bakit mahalaga ang Newborn Hearing Screening?

  • Ang mga sanggol na may kapansanan sa pandinig ay maaring walang sintomas pagkapanganak
  • Ang mga test na ginagamit sa screening ay safe at walang maidudulot na pinsala kay baby. Tumatagal lamang ito ng mga 5-10 minuto.
  • Ang problema sa pandinig ay isa sa mga pinakamahalagang kapansanang maaring makita simula pa lang sa kapanganakan
  • Ang pagkabingi, kapag hindi naagapan, ay maaring mag-dulot ng negatibong epekto sa iba’t ibang mahahalagang aspeto ng pag-laki ng isang bata, tulad ng hirap sa pakikipag-usap at pakikitungo sa ibang tao, hadlang sa emotional development, hirap matuto at hirap sa pag-aaral

Nilalayon ng Newborn Hearing Screening Program na mabigyan ng maagap at kaukulang lunas ang mga batang may kapansanan sa pandinig bago pa man mag fer anim na buwan.

Leave a comment

Your email address will not be published.