Wala pa pong masyadong impormasyon tungkol sa COVID-19 para sa mga alagang aso at pusa) ngunit mayroong mga ulat na nangyayari ito lalo na sa mga alaga na malapit sa mga taong may COVID-19.
Aso, Pusa: Nakakahawa ba aso at pusa na may COVID-19 sa mga tao?
- Basi sa mga impormasyon, maliit lang ang pagkatataon na ang aso at pusa na may COVID-19 ay nakakahawa sa tao
Mask: Dapat bang lagyan ng mask ang mga alagang hayop?
- Huwag lagyan ng mask ang alagang aso o pusa
Iwas: Paano maiiwasan na mahawa ng COVID-19 ang mga alagang hayop
- Magpabakuna laban sa COVID-19
- Kapang may COVID-19 o mga sintomas nito, iwasan muna ang close contact sa kanila
- Kung maari huwag hayaan ang mga alagang aso at pusa na may close contact sa mga taong wala pang bakuna
Sintomas: Ilang mga sintomas ng COVID-19 sa mga alagang hayop
- Lagnat, ubo, nahihirapang huminga
- Pananamlay (lethargy), sipon, pagbabahin, eye discharge
- Pagsusuka, pagtatae