- Ayon sa World Health Organization (WHO) walang scientific evidence na nagpapatunay na may mga pagkain na dapat iwasan matapos mabakunahan ng anti rabies vaccine 1https://bit.ly/3le5JTF
- Ngunit may mga animal bite treatment centers na nagbibigay na babala laban sa mga common allergens gaya ng manok, mani, itlog atbp. Mangyaring iwasan muna ang pagkain ng mga ito upang hindi mapagkamalan na side effects ng anti rabies vaccine ang food allergy
- Uminom ng maraming tubig at kumain ng prutas at gulay. Panatilihing ring tuyo at malinis ang sugat
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Normal po ba sa isang batang naturukan ng anti rabies na sobrang lamigin or chills
Hello po ask ko lang po nag paturok po kasi ako ngayon ng anti-rabbies tas meron rin pong tinurok na anti-tetnus. sinabihan po ako kumain ng may mga condiments na toyo, ketchup at mayonnaise bakit po kaya?
Hello. Standard po yata yung anti-tetanus sa lahat ng anti rabie shot. It will protect you from the bacteria that causes tetanus. Not sure po bakit sinabing kumain ng toyo, kasi usually sasabihin nilang “wag kumain ng manok, itlog, etc.” Di po kaya na misheard nyo lang?