Alam niyo ba
- 1 hanggang 3 sa kada-isang libong malulusog na sanggol ay maaring magkaroon ng permanent hearing loss
- Ayon sa Republic Act 9709, ang lahat ng sanggol na ipinanganak sa Pilipinas ay dapat sumailalim sa hearing screening pagkasilang o bago mag-isang buwan
Bakit mahalaga ang newborn hearing screening?
- Ang mga sanggol na may kapansanan sa pandinig ay maaring walang sintomas pagkapanganak
- Ang mga test na ginagamit sa screening ay safe at walang maidudulot na pinsala kay baby. Tumatagal lamang ito ng mga 5-10 minuto.
- Ang problema sa pandinig ay isa sa mga pinakamahalagang kapansanang maaring makita simula pa lang sa kapanganakan
- Ang pagkabingi, kapag hindi naagapan, ay maaring mag-dulot ng negatibong epekto sa iba’t ibang mahahalagang aspeto ng pag-laki ng isang bata, tulad ng hirap sa pakikipag-usap at pakikitungo sa ibang tao, hadlang sa emotional development, hirap matuto at hirap sa pag-aaral
Nilalayon ng Newborn Hearing Screening Program na mabigyan ng maagap at kaukulang lunas ang mga batang may kapansanan sa pandinig bago pa man mag anim na buwan.
Find maternity clinics faster!