How Can We Help?

Ang Mga Dapat Gawin Kung Nakagat O Nakalmot Ng Aso, Pusa O Daga

Aso: Aksidenting nahawakan ang ilong at bibig ng aso

  • Ang rabies ay hindi tumatagos sa buo na balat. Kailangan ng virus ang sugat, mga gasgas o sa mucous membrane upang makapasok sa katawan ng tao
  • Ang rabies ay hindi naikakalat sa pamamagitan ng dugo, ihi o tae

Daga: Mga sintomas ng rat bite fever?

  • Ang rat bite fever ay dulot ng bacteria streptobacillus o spirillum minus. Ito’y nakakamatay kapag pinabayaan
  • Karaniwang sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan na lumalabas sampung araw pagkatapos makagat

Daga: Mga dapat gawin pag nakagat ng daga

  • Linising mabuti ang loob at labas sugat gamit ang sabon at tubig
  • Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment
  • Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment at saka takpan ng bandage
  • Kung ang sugat ay malalim o nasa bandang ulo, kumunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng antibiotic

Pusa: Mga dapat gawin pag nakagat o nakalmot ng pusa

  • Hugasang mabuti ang sugat o kalmot ng sabon at tubig sa loob ng 10 minutes
  • Pumunta agad sa pinakamalapit animal bite center

Tingnan din:

Join the Conversation

179 Comments

Your email address will not be published.

 

  1. Hello po, nakalmot po ako ng 6mos. Na mix breed ng askal. Ano po ang dapat gawin? Thankyou po. Ang nai inject lang po sakanya ay ang vaccine at isang beses lang po ito.

    1. Hello and thanks for reaching out. Isa lang po ang dapat nyong gawin. Punta po kayo sa bite center. Importante po na mabakunahan po kayo.

  2. Hello po, ask ko lng kung delikado po ang kalmot ng pusa? Nakalmot kasi ako kagabi sa right shoulder ko then nag first aid nmn ako pero d pa po ako napunta sa bite center, bali bago po ako nakalmot eh may lagnat na ako 2 days na

    1. Hello Jean. Nakalmot din po ako ng pusa namin 2 months ago and I got vaccinated. My advise po is to visit the nearest bite center and get vaccinated.

      1. Hello po, nakalmut po ako ng pusa kagabi. tas nagpa inject po ako kanina ng antibiotic po atta. yung pong mabigat sa kamay na gamot po. Then way back 2018 or 2019 nakagat ako Ng Aso pero nakaligtaan ko yung 2nd or 3rd na vaccine. Kailangan padin po bang mag pa inject ulit ng anti Rabies po? Thank you

        1. Hello Arlene. Wag nyo pong kaligtaan ang bakuna especially po kung anti rabies vaccine ang pinag uusapan. Wala pong survivor ang rabie virus pag nasa utak na ng tao. Please follow your schedule po to the letter. Kung meron po kayong mga meetings that day, e reschedule nyo po. Napaka importante po ng anti rabies vaccine.

          Since nakalmot na po kayo ulit ng pusa kagabi, punta po kayo sa bite center malapit sa inyo.

  3. Hi po tanong kolang po kung delikado po yung kalmot sakin ng mag fofourmoths old na aso wala papong bakuna p

    1. Hello Criselda. Kailangan nyo pong pumunta sa bite center regardless of the age of the dog po. This is important.

  4. Nakalmot po ng aso ang anak nakashort po sya may rabis po ba na pumasok sa kanya wala po syang sugat nag pantal lang po.hinugasan po nya agad at nilagyan ng alcohol.

    1. Hello Agnes. Dalhin nyo po sa bite center ang anak nyo para mabigyan ng anti rabies vaccine. Sugat, kagat o kalmot ay kailangang matingnan ng doctor maliban nalang kung sigurado po kayong updated ang bakuna ng aso na yun.

    1. Hello Andrea. Punta po kayo sa bite center. Safe naman po ang anti rabies vaccine sa mga pregnant and breastfeeding women. Sabihin nyo po ng pregnant kayo.

      1. Ilang days po dapat I observe Ang tao para malaman kung naempeksyon sys.mtapos makalmot ng pusa.thanks po.

        1. Hello. Hindi po ang tao ang o-obserbahan, ang hayop po. Kasi pag namatay yung hayop, meaning may rabies ito.

          Pag nakita-an na po ng sintomas ng rabies ang taong nakagat o nakalmot, wala na po itong pag-asang mabubuhay pa. Wala pong survivor ang rabies kaya dapat dalhin kaagad sa bite center para mabigyan ng bakuna. Kung ang kagat o kalmot po ay nasa bandang leeg o ulo, kailangan pong dalhin kaagad sa bite center.