How Can We Help?

Ang Mga Dapat Gawin Kung Nakagat O Nakalmot Ng Aso, Pusa O Daga

Aso: Aksidenting nahawakan ang ilong at bibig ng aso

  • Ang rabies ay hindi tumatagos sa buo na balat. Kailangan ng virus ang sugat, mga gasgas o sa mucous membrane upang makapasok sa katawan ng tao
  • Ang rabies ay hindi naikakalat sa pamamagitan ng dugo, ihi o tae

Daga: Mga sintomas ng rat bite fever?

  • Ang rat bite fever ay dulot ng bacteria streptobacillus o spirillum minus. Ito’y nakakamatay kapag pinabayaan
  • Karaniwang sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan na lumalabas sampung araw pagkatapos makagat

Daga: Mga dapat gawin pag nakagat ng daga

  • Linising mabuti ang loob at labas sugat gamit ang sabon at tubig
  • Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment
  • Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment at saka takpan ng bandage
  • Kung ang sugat ay malalim o nasa bandang ulo, kumunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng antibiotic

Pusa: Mga dapat gawin pag nakagat o nakalmot ng pusa

  • Hugasang mabuti ang sugat o kalmot ng sabon at tubig sa loob ng 10 minutes
  • Pumunta agad sa pinakamalapit animal bite center

Tingnan din:

Join the Conversation

147 Comments

Your email address will not be published.

 

  1. Pano po pag aso ang nakakalmot sakin? Nakalmot po ako sa labi. Di pa po naiinjectionan ng anti rabies ang aso namin

    1. Hello and thanks for reaching out. Punta po kayo ASAP sa bite center kasi nasa bandang ulo po yung kalmot nyo.

  2. Nakalmot o nakagat po ng pusa ang sigat ko. Kailangan ko po bang magpavaccine ? Wala po kase akong pambayad para sa vaccine😭😭

    1. Hello and thanks for reaching out. Punta po kayo sa bite center. In case po need nyo ng bakuna, mura lang naman ang babayaran nyo. Kung malapit po kayo sa San Lazaru Hospital, punta po kayo dun.

  3. Hello po nakalmot po ako ng daga kahapon maliit lamang po ang peklat . Magpapavaccine pa po ba ako?

    1. Hello and thanks for reaching out. Hindi po binabakunahan ng anti-rabies ang mga kagat o kalmot ng daga kasi hindi naman po sila nakikitaan ng rabies. Pwede din po kayong pumunta sa dr. o sa clinic para mabigyan ng tetanus shot.

      Disclaimer: I’m not a doctor and my advice does not substitute to a professional medical advice.

  4. Hi, good day! May I ask po kung ano dapat kong gawin kasi nakalmot ako ng pusa ko sa labi. Aside from linisin, hindi ba delikado yun?

    1. Hello and thanks for reaching out. Punta po kayo agad sa bite center. Yung pong mga kalmot o kagat sa bandang ulo is treated as an emergency case po.

  5. Hi, Good day! I have a 2 mos old puppy. Hindi pa siya vaccinated ng anti-rabies since hindi pa pwede.

    And ngayon lang, habang nilalaro ko siya, accidentally dumaplis yung ngipin niya sa ilong ko. Wala namang dugo. Kaya di rin ako sure kung may sugat ba or wala.

    Need ko po ba mag worry for rabies? And ano po dapat kong gawin agad? Salamat!

    1. Hello and thanks for reaching out. Consult po kayo sa bite center malapit sa inyo. They will decide po whether you will be vaccinated or not. Don’t take this for granted po kahit puppy pa lang sya.

    2. Nagpacheck po ba kayo? Ano po sabi sa inyo? Ung anak ko din nakagat ng aso 3moz plng aso namin