TIP: Try searching for “massage spa near me,” “male therapist in cebu” or click Massage Parlors & Spas to see our list.

Ang arthritis ay isang kondisyon na nakakaapekto sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Bata man o matanda ay pwedeng magkaroon ng arthritis na maaaring magdulot ng kirot, paninigas, at bawas ng kakayahang kumilos dahil sa masakit na kasu-kasuhan. 

Mahirap magkaroon ng arthritis lalo na kung nakakaapekto ito sa iyong kakayahang gumalaw. Subalit mayroong mga natural na paraan para mapagaan ang mga sintomas nito gaya ng massage therapy. Narito ang iilang sa mga benepisyo nito:

Mga Benepisyo ng Massage Therapy para sa mga may Arthritis

  1. Nababawasan ang sakit at pamamaga. Napatunayan na ang massage therapy ay nakakabawas ng sakit at pamamaga sa mga joints, na kadalasang sintomas ng arthritis. Sa pamamagitan ng gentle pressure at movements, nakakapag-improve ito ng circulation at nakakapag-relax ng mga muscles, na nakakatulong sa pagpapababa ng inflammation at pagpapalakas ng joint mobility.
  2. Pagpapabuti ng joint mobility. Nakakatulong ang massage therapy sa pagpapabuti ng joint mobility sa pamamagitan ng gentle stretching at manipulasyon ng muscles at connective tissues sa paligid ng mga apektadong joints. Ito ay nakakatulong sa pagpapalawak ng range of motion at pagpapababa ng stiffness.
  3. Nababawasan ang stress at anxiety. Isa sa mga dahilan ng stress at anxiety ay ang pagkakaroon ng arthritis. Ang massage therapy sa subok ng nakakapagbawas ng mga ito sa pamamagitan ng relaxation.
  4. Pagpapabuti ng quality ng tulog. Madalas na nahihirapan ang mga taong may arthritis sa pagtulog dahil sa kanilang kalagayan.  Ang massage therapy ay nakakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng tulog sa pamamagitan ng relaxation at pagpapabawas ng sakit at discomfort.

Uri ng Massage Therapy na Epektibo sa Arthritis

Mayroong iba’t ibang uri ng massage therapies na maaaring magbigay ng mga benepisyo sa mga taong may arthritis. Narito ang ilan sa kanila:

  1. Swedish Massage. Ang Swedish massage ay isang marahang uri ng massage na kadalasang ginagamit sa pagpapababa ng stress at pamamaga. Nakakatulong ito sa pagpapalakas ng blood circulation at pagpapababa ng inflammation o pamamaga ng mga joints.
  2. Deep Tissue Massage. Kung gusto mo ng mas intense na pressure sa iyong massage, maaaring subukan ang deep tissue massage. Ito ay nakakatulong sa pagpapalakas ng mga muscles at pagpapababa ng stiffness sa mga joints.
  3.  Myofascial Release Therapy. Ang myofascial release therapy ay nakakatulong sa pagpapalawak ng range of motion at pagpapababa ng pamamaga sa pamamagitan ng pag-manipulate ng mga connective tissues.
  4. Trigger Point Massage. Kung mayroon kang mga specific areas na masakit o tense, maaaring subukan ang trigger point massage. Ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng pain at tension sa mga affected areas.

Ang massage therapy ay maaaring magbigay ng mga benepisyo sa mga taong may arthritis tulad ng pagpapababa ng sakit,  pamamaga, pagpapalakas ng mobility, at pagpapababa ng stress at anxiety. Kung ikaw ay mayroong arthritis, maaaring isa itong complementeryong therapy na pwede mong subukan. 

List of Massage Spas

eskisehirescort.asia
- deneme bonusu veren siteler