- Ang unprotected sex o ang hindi paggamit ng condom ay ang karaniwang dahilan na naipapasa ang HIV sa ibang tao
- Ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng bibig (oral sex), puwit (anal sex), at ari (vaginal sex)
- Ang unprotected anal sex ay ang pinakamapanganib sa lahat dahil nakakapasok ang virus sa katawan sa pamamagitan ng mga gasgas o sugat sa puwit
Post-exposure prophylaxis treatment
- Ang PEP ay para lamang sa mga taong HIV negative
- Kung sa tingin mo ay na expose ka sa virus, kaagad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na HIV treatment center para sa PEP o post-exposure prophylaxis treatment
- Ito ay kailangang gawin sa loob ng tatlong araw (3) upang mapigil ang virus sa katawan
Mga ibang paraan na naikakalat ang HIV
- Paggamit o pagsasalo-salo ng kontaminadong karayom at hiringgilya
- Pagsalin ng kontaminadong dugo
- Pagbubuntis, panganganak at pagpapasuso sa sanggol
Find HIV test centers faster!