Ang throat cancer ay isang uri ng cancer na maaaring makaapekto sa lalamunan, bibig, at dila. Karaniwang sanhi nito ang paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak. Ngunit ayon sa mga pananaliksik, may kaugnayan rin ito sa oral sex lalo na sa mga gay individuals.
Ano ang mga sintomas ng throat cancer?
Iilan sa mga karaniwang sintomas:
- Masamang ubo at mahirap ngumuya o masakit habang ngumunguya
- Masakit na lalamunan na hindi nawawala
- Pagbabago ng boses o pagkakaroon ng malalim na boses
- Sakit sa tenga
- Bukol o pamamaga sa leeg
- Di-magandang pagbabago sa timbang
Ano ang mga sanhi ng throat cancer?
Hindi pa tiyak kung ano ang eksaktong sanhi ng throat cancer, pero may ilang mga factors na nagpapataas ng posibilidad na magka-sakit nito. Ito ay maaaring:
- Paninigarilyo
- Sobrang pag-inom ng alak
- Pagkakaroon ng human papillomavirus (HPV)
- Lahi ng pamilya na may throat cancer
- Iilang mga genetic mutations
Paano ginagamot ang throat cancer?
Depende sa stage ng cancer, lokasyon nito, at kalagayan ng pasyente ang mga pagpapagamot. Ito ay maaaring:
- Surgery: Ginagamit ang surgery upang tanggalin ang cancer
- Radiation therapy: Ginagamit ang radiation therapy upang patayin ang mga cancer cells.
- Chemotherapy: Ginagamit ang chemotherapy upang patayin ang mga cancer cells.
Paano maiiwasan ang throat cancer?
Maaaring gawin ang ilang bagay upang maibaba ang panganib na magka-throat cancer tulad ng:
- Iwasang manigarilyo
- Iwasan ang sobrang pag-inom ng alak
- Magpabakuna laban sa HPV (age 9 to 45 yrs old only)
- Safe sex
- Kumain ng masustansyang pagkain
- Mag-exercise ng regular
- Regular na magpatingin sa dentista
Bakit maraming gays [at bisexuals] na nagkakasakit nito?
Ayun sa pag-aaral mas maraming mga gays at bisexuals ang nahahawa ng HPV kumpara sa mga heterosexual na mga lalaki dahil sa oral sex na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng HPV infection.