Ang anal warts ay isang uri ng genital warts na kalimitang nakikita sa loob o paligid ng butas ng puwit. In most cases, hindi ito nagdudulot ng anumang sakit o discomfort ngunit pwede itong mangati o magdugo kapag sobra ng malaki.
Ang human papillomavirus (HPV) ay ang sanhi ng anal warts. Isa itong sexually transmitted infection (STI). Sa mga kabataan, malimit itong nawawala kahit hindi ginagamot at hindi rin ito nagdudulot ng anumang sintomas. Ngunit ang virus ay may kakayahang manatili sa loob katawan at magdudulot ng genital warts sa ibang pagkakataon.
Warts: Paano Nakukuha Ang Virus?
Ang HPV ay nakukuha sa pamamagitan ng direct contact (skin-to-skin) sa baba, puwit, penis o vagina. Ang sexual intercourse gamit ang wastong proteksyon ay pwedeng makapigil sa pagkalat ng virus.
Warts: Paano Sinusuri ng Doctor?
Ang pagsusuri ng anal warts ay ginagawa gamit ang anoscope upang tingnan ang loob ng puwit o anal canal. Para sa iba pang klase ng genital warts, full pelvic examination ang ginagawa. Sa mga babae, ang pap smear ay isa sa mga paraan upang matukoy ang warts.
Warts: Paano Ginagamot?
Topical medications ang karaniwang ginagamit sa mga maliliit na warts na nasa labas ng butas ng puwit. Kailangan ito ng doctor’s prescription para makabili. Ang mga karaniwang topical creams na ginagamit para sa genital warts ay:
- Imiquimod (Aldara, Zyclara)
- Podofilox (Condylox)
- Podophyllin (Podocon)
- Trichloroacetic acid
Warts: Mga Ibang Paraan Sa Paggamot (non/-invasive)
- Cryotherapy. Ginagamitan ng liquid nitrogen upang e freeze ang warts
- Electrocautery. Ginagamitan ng kuryente para sunugin ang warts
- Laser treatments. Ginagamitan ng laser upang tanggalin ang warts
- Colorectal surgery. Para ito sa mga worse case scenarios na
Warts: Paano Maiiwasan
Hindi karaniwang ginagawa ang HPV testing, ngunit merong mga bakuna laban dito. Tanungin ang iyong doctor tungkol sa Gardasil 9.
Meron ding bakuna sa mga may edad 11 years old pataas. Ibinibigay ito bago magiging sexually active ang isang tao. Maiiwasan din ang HPV sa pamamagitan ng pag iwas sa sex, pag gamit ng wastong proteksyun kagaya ng condom o dental dams at ang paglilimita sa bilang ng sexual partners.
Maaari ba na tumubondin ito sa bata na may edad 5-6 ? Hindi ko ksi matukoy kung anonv klaseng butlig ito na tumubo sa puwet nya .