TIP: Try searching for “hiv testing near me,” “paano nakukuha ang hiv” or click HIV Testing Centers to see our list.
Narito ang ilang bagay na dapat mong malaman at gawin upang maprotektahan ang iyong sarili at ang iba mula sa HIV at STD.
Mahahalagang Punto
- May mga gamot para nakapagpipigil sa pagdami ng HIV at STDs kaya kailangang masuri agad
- Ang HIV test ay kailangang gawin 20 days o 4 weeks after sa pinakahuling unprotected sex
HIV: Libre ba ang HIV test?
- Libre po ang HIV testing sa lahat ng pampublikong hospital, social hygiene clinics, non-governmental organizations (NGO) at iilang pribadong klinika
- Sa mga pribadong klinika, umaabot ng 500 hanggang 1,500 pesos kada testing
HIV: Ano ang HIV at AIDS?
- Isang uri ng STD dulot ng lentivirus na kung pababayaan ay magiging AIDS
- Karaniwang sintoma ay flu-like na ngyayari sa loob ng 2 to 4 linggo pagkatapos nahawaan; pwede ring makaranas ng pagkahilo, lagnat, pamamaga sa lalamunan at malubhang sakit ng ulo
- Ang mga sintomas ay nawawala rin pagkatapos ng 1 to 2 linggo
- Ang withdrawal technique sa pagtatalik ay hindi nagpapababa sa pagkakataong mahawa ng HIV
HIV: Mga kondisyon upang mahawahan
- Una: Dapat ang virus ay nasa nakakahawang likido galing sa HIV positive na tao
- Pangalawa: Dapat ang virus ay nasa sapat na antas o lebel upang maging sanhi ng impeksiyon
- Pangatlo: Dapat may epektibong ruta o pamamaraan upang maisalin ang virus sa ibang katawan
- Pang apat: Dapat makakaabot ang virus sa mga selula na pwede nitong kapitan
HIV: Maagang sintomas
- Ang HIV ay hindi na da-diagnose sa mga sintomas dahil ang mga ito ay karaniwang nakikita sa ibang mga sakit. Tanging ang HIV test lamang ang paraan upang matukoy ang status ng isang tao
- Sa loob ng 2 to 4 week pagkatapos nahawaan ng virus, magkakaroon ng rashes sa katawan, lagnat, pamamaga sa lalamunan (sore throat) at matinding sakit sa ulo
- Pwede ring magkaroon ng fatigue o pagkapagod, swollen lymph nodes, pananakit sa kalamnan at kasukasuhan, vomiting, at pagpapawis sa gabi
- Pakitandaan na hindi lahat ng tao nakikitaan ng mga nasabing sintomas
HIV: Gamutan at Laboratoryo
- Pag reactive ang resulta ng HIV rapid test, ipapadala ang blood sample sa RITM o San Lazaro Hospital para sa confirmatory test
- Kukuhanan din ng X-Ray, CBC, lipid profile at CD4 tests ang pasyente. Libre ito sa lahat ng government-run hospitals and clinics sa buong bansa
- Dapat ding maging membro sa PhilHealth ang pasyente upang mapakinabangan ang Out-Patient and AIDS Treatment (OHAT) package. Ito’y kinakailangan upang maka-libre sa mga pagsusuri na ginagawa taon-taon
- Sa mga pagsusuri o medicina na hindi sakop ng PhilHealth, ito’y kailangang bayaran ng pasyente. Kalamitan itong ngyayari kapang meron ng opportunistic infections na kailangang gamutin
- Hindi po nabibili ang ARV, ang gamot para sa HIV. Ito po ay libre bigay ng goberno. Ipinamamahagi ito sa tulong nga mga HIV treatment hubs
HIV: Kailangan ba ang HIV Test upang matanggap sa trabaho?
- Ang sapilitang HIV testing upang matanggap sa trabaho ay labag sa batas ayon sa Republic Act 8504 o Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998, Article III
- Section 16. Prohibitions on compulsory HIV testing. – Compulsory HIV testing as a precondition to employment, admission to educational institutions, the exercise of freedom of abode, entry or continued stay in the country, or the right to travel, the provision of medical service or any other kind of service, or the continued enjoyment of said undertakings shall be deemed unlawful
- Sumangguni sa Department of Label and Employment (DOLE) upang mabigyan ng aksyun
HIV: Pwede pa bang makapag-abroad kahit HIV positive?
- Karamihan sa mga bansa ay tumatanggap na ng mga HIV positives subalit meron pa ring hindi gaya ng mga Muslim countries at kahit na ang Singapore
- Ang HIV test ay kinakailangan din bilang bahagi ng pagsusuri sa kalusugan. Ito’y hindi itinuturing na diskriminasyun
HIV: Ano ang Post-Exposure Prophylaxis (PEP) at para saan ito
- Ang PEP o Post-Exposure Prophylaxis ay ang pag-inum ng ARV (gamot para HIV) ng isang HIV negative na tao upang mapigil ang pagkalat ng virus sa katawan
- Ang PEP ay epektebo lamang kung iinumin sa loob nga tatlong araw pagkaraan ng posibling pag ka expose sa virus
- Hindi ito libre at kunti lamang ang mga pribadong klinika at hospital na nag-bebenta nito. Sa Cebu, mangyaring makipag-ugnayan sa Link2Care Diagnostics kung nais mong makakuha nito
HIV: Muscle Wasting
- Sobrang pagbaba ng timbal katumbas 15% o higit pa sa kasalukuyang timbang
- Karaniwang nakikita sa mga taong may advanced HIV lalo na yung merong opportunistic infections at inflammation o pamamaga
- Nakakaranas ng low-grade fever, madaling mabusog o walang ganang kumain
- Para ma control ang pagbaba ng timbal, pinapaigi ang pag inum ng ARV, pagkain ng high-caloric meals at ehersisyu (e.g. resistance and weight-lifting)
HIV: Rashes
- Karaniwang nakikita sa loog ng 2 buwan matapos mahawahan ng virus; makati at kalamitang nakikita sa mukha, dibdib, paa at sa mga kamay
- Ang skin rashes ay bunga ng HIV o sa gamot na ini-inum para sa HIV (e.g. Nevirapine, Abacavir, Amprenavir o Tipranavir)
- Pwedeng gamutin gamit ang mga over-the-counter drugs gaya ng hydrocortisone cream o Benadryl; kailangan ding mag pa tingin sa doktor
HIV: DUO Test?
- Isang uri ng HIV test para sa HIV-1 and HIV-2 strains. Kaya din nitong ma detect ang p24 protein na karaniwang nakikita sa ibabaw ng HIV particle
- 95% accuracy of detection apat na linggo pagkatapos ng exposure
- 5% nagiging positibo sa loob ng tatlong buwan; ang positibong resulta nangangailangan ng confirmatory test
Herpes: Ano ang Genital Herpes?
- Isang uri ng STD na karaniwang napagkakamalaan na sakit sa balat, pimple o ingrown hair
- Nakukuha ito sa pakikipag sex (e.g. vaginal, anal, oral), herpes sore, laway at pagkiskisan ng mga balat; hindi ito nakukuha sa toilet seats, bedding or swimming pools
- Karaniwang sintomas ang maliliit na blisters o singaw na tumutubo sa gilid ng ari, puwitan o sa baba at lubhang mahapdi; masakit din sa pag-ihi
- Wala pang lunas ang herpes ngunit meron mga gamot na kumukuntrol sa outbreak; very common ang pabalik-balik na herpes outbreak
Herpes: Paano nakukuha at naipapasa sa ib
- Skin-to-skin kontak ang karaniwang dahilan sa pagkalat ng herpes virus. Nakukuha ito sa oral, anal o vaginal sex kahit walang penetration o ejaculation na ngyari
- Ang paghawak sa ibang parti ng katawan pagkatapos mahawakan ang sugat ng herpes ay isa sa mga dahilan sa pagkalat nito. Ugaling hugasan maaigi ang mga kamay
- Ang herpes ay hindi nakukuha sa hugging, paghawak ng kamay, pag ubo, o sa inidoro
Syphilis: Ano ang Syphilis?
- Isang uri ng STD na karaniwang nakikitaan ng sintomas 9 – 90 days pagkatapos ng posibling exposure
- Ito’y kumakalat sa buong katawan (tertiary); pwedeng maisalin sa ina papunta sa sanggol at pagsalin ng dugo
- Karaniwang sintoma ay mga maliliit na sugat sa ari (dahil sa vaginal at anal sex), baba (dahil sa oral sex) at puwit (dahil sa anal sex)
- Madali itong magamot ng antibiotics ngunit palaging ‘positive’ na ang magiging resulta ng syphilis test kahit wala na ito sa dugo
Gonorrhea: Ano ang Gonorrhea o Tulo?
- Isang uri ng STD na karaniwang nakikitaan ng sintomas 3 – 7 days pagkatapos ng posibling exposure
- Karaniwang sintoma ay ang madilaw na katas lumalabas mula sa ari at pamamaga sa bayag (sa kalalakihan); pananakit sa puson (sa kababaihan)
- Bukod sa ari, pwede ring maaapektuhan ang lalamunan, mata, baba cervix, matris, fallopian tubes, daanan ng ihi at puwit
Gonorrhea: Nakukuha ba sa oral sex?
- Oo at pwede rin itong makuha pamamagitan ng anal at vaginal sex gamit ang semen o vaginal fluids ng infected partner
- Hindi kailangan ang ejaculation upang maipasa ang bakterya
Gonorrhea: Mga sintomas sa baba, mata o lalamunan
- Lalamunan at baba: Mahapdi, pamamaga ng glands at pahirapang pag lunok
- Mata: Makati, mapula-pula dahil sa impeksyon. Pwede ring magka-nana at sensitibo sa liwanag
Gonorrhea: Paano kung hindi ginamot ang tulo
- Maaring maging Disseminated Gonococcal Infection (DGI) na kumakalat sa buong katawan: sa dugo, balat, puso at kasukasuhan
- Ilan sa mga sintomas ng DGI ay panginginig, lagnat, pananakit ng mga kasukasuan (joints pain), stiff neck na may kasamang pananakit, pagsusuka o nausea, pagkalito, at pangingisay
- Ang DGI ay sakit na nakakamatay
HPV: Ano ang Genital Warts o Kulugo?
- Isang uri ng STD na dulot ng Human Papiloma Virus (HPV)
- Pwede itong maisalin kahit sa pagkiskisan ng balat sa taong merong HPV
- Karaniwang sintoma ay ang pagtubo ng mga kulugo sa ari at puwit
Tanong ko lang po balik po pabalik balik yong std
Hello po. Karamihan po sa mga STS nagagamot naman po successfully at hindi na bumabalik. If it does, it means a reinfection has occured.
Nakakahawa ba ang reactive s std?
Hello. What particular STD po are you referring?
Chlamydia po,reactive..Ang tanung q po kung pwd po mkahawa p rin kht reactive
At pwd p rin po b mgkaanak,
Pwde p rin po b magkaanak ang my reactive chlamydia pero nag antibiotics n po
At nkkahawa p rn po b ang my reactive n gnito uri ng sti?
Hello po. Kung na diagnose po kayo na merong chlamydia, be sure lang po na you will take the meds as prescribed by your doctor. Madali lang naman po syang gamutin, at pag nagamot na, it will be gone for good.
Pwede p rin po magkaanak.
Pwede naman po pero kailangan muna syang gamutin.
Mrmi po salamat