TIP: Try searching for “bite clinics near me,” “nakagat ng aso” or click Animal Bite Clinics to see our list.
- Ayon sa World Health Organization (WHO) kapag ang kagat o kalmot ay nangyari sa loob ng tatlong buwan (3 months) matapos ang huling kumpletong anti-rabies vaccine ng pasyente, wala pang karagdagang bakuna ang kailangan 1https://bit.ly/3le5JTF
- Ngunit kapag ang kalmot o kagat ay nangyari lagpas na sa tatlong buwan (3 months) mula sa huling kumpletong anti-rabies vaccine ng pasyente, kailangan na pong bumisita ulit sa bite center
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Hello po nakagat po ako last december ng aso. Nakumpleto ko po ung vaccine nung december category 2 po un..Ngayon po nakagat po ulet ako category 3 po . Booster nalng po ba ang ibibigay saken na vaccine?
Hello. I can’t answer this po. Visit nalang po agad sa bite center malapit sa inyo.
hi po, pwede po magtanong?yung aso po namin naghihingalo na at nakahiga na at pumipikit na siya dina niya kaya. binantayan po namin pero paghimas ko bigla akong kinagat. kaya po pumunta agad kaming hospital para magpaturok ng antitetano. mga wala pang isang oras namatay na yungg aso namin. kinabukasan nagpaturok po agad ako ng antirabies, pero hanggang 2nd dose lang po may 2. tapos po nung 23 pumunta akong animal bite center para ituloy, pero pinaulit po saakin. kaya ayun nagpaturok po ulit ako tapos bukas po balik ko, pwede po bang pagtaapos nun hindi na ako bumalik? kasi bali apat napo yun eh, tsaka yung aso po namin sa loob ng bahay lang hindi lumalabas tsaka ilang days po bago siya mamatay hirap siyang umihi. pinilipilit niya pero walang ihing lumalabas hanggang sa doon na po siya nanghina. salamat po sa sasagot.
Hello po. Ganyan po talaga ang anti-rabies vaccine. Meron po syang sinusunod na schedule at kung hindi po kayo naka balik, uulit po yan simula. Kailangan nyo pong maintindihan na ang rabies ay wala pong gamot. 100% fatal po ito. Walang survivor sa rabies, kaya napaka importante na ma kumpleto yung bakuna. Para na rin makasigurado, follow your schedule po sa vaccination.
Hello Po
DI KO PO ALAM KUNG KAGAT O KALMOT Ng PUSA itong open wound ko pero nagdugo
NAGPA ANTI-RABIES VACCINE PO AKO NOONG APRIL 2022
MATAPOS MAKAGAT NOON NG ASO
Ask ko Po sana kung Valid pa ba Ang effect ng ANTI-RABIES VACCINE na naturok sa akin o kailangang magpa bakuna ulit
Salamat po
Hello. Usually po, hindi kayo bibigyan ng panibagong booster shot kapag ang kagat o kalmot ay within the last 3 months since the last vaccination nyo. In your case, April 2022 pa po yung last nyo, so you’re a candidate for booster shots. Punta po kayo agad sa bite center malapit sa inyo.