Makakatanggap po kayo ng email o tawag at sasabihing ikaw ay ginawang alternate o emergency number sa kaibigan mong hindi nakabayad sa utang kaya sa inyo sila maniningil.
HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER
- Sa di matukoy na dahilan, makukuha ng scammer ang number mo at sasabihing isa ka sa ginawang “alternate” number ng kaibigan mong nangutang sa kanila at hindi nakabayad
- Gagawa-gawa sila ng kwento para takutin ka. Malamang sasabihin ng scammer na kayong dalawa ay idedemanda kung walang bayad na matatanggap nila
- Totoo mang may utang ang kaibigan mo o wala, pero ang ganitong paraan ng paniningil ay mariing ipinagbabawal ng batas (Bangko Sentral ng Pilipinas Circular 454) at ito ay may kaparusahan
MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MAGING BIKTIMA
- Putulin agad ang komunikasyon dahil wala namang kwenta ang mga taong ito
- Tawagan ang iyong kaibigan para kumpirmahin kung totoo bang ginawa kang “alternate” number of totoong may utang siyang hindi nabayaran
- Huwag na huwag magbayad kung hindi mo pa nakakausap ang taong sinasabi nilang may utang sa kanila. Sa teorya, walang taong makukulong sa utang, kaya’t huwag magpadala sa kanilang mga sinasabi
BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?
I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.