Makatatanggap po kayo ng tawag dis-oras ng gabi galing sa isang nagpapakilalang “agent” ng PNB na di umano may kasalukuyang gumagamit ng credit card mo at kailangang e “verify” nya kung legit ba ito.
HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER
- Sa di matukoy na dahilan, makukuha ng scammer ang iyong detalye gaya ng buong pangalan mo, phone number o credit card number
- Tatanungin ka ng scammer na kasalukuyang mo bang ginagamit ang credit card mo kasi may nakikita silang transaction at kailangan nila itong e “verify” kung galing ba ito sa iyo
- Ipaparamdam talaga ng scammer na concern sya sa pera mo at handa ka nyang tulungan para tuluyan ng ma block ang fraudulent transaction kuno kung hindi ito aprobado mo
- At para litohin ka ng buong-buo, gagawa-gawa ng kwento ang scammer na naka-link daw yung credit card mo sa isang account at may ginawang request for payment galing sa partner mo o ninuman na malapit sa iyo. Take note po na kapag ginawa nila ito, alam din nila ang pangalan ng partner mo o ninuman malapit sa iyo
- Ang talagang pakay lang naman nila ay talagang litohin dis-oras ng gabi hanggang makuha nila ang lahat ng credit card information mo
MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MAGING BIKTIMA
- Putulin agad ang pakikipag usap sa mga walang kwentang taong ito
- Walang legit na bangko na tumatawag dis-oras ng gabi sabay hingi ng credit card information. Ang credit card verification ay mangyayari lamang kapag tayo mismo ang tatawag sa bangko o sa customer service nila
BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?
I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.