Sasabihin po dun sa email na natanggap ninyo na kailangan e “update” yung bank details mo kasi meron silang na detect na unauthorized activities o transactions sa account mo. 

HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER

  • Sa di matukoy na dahilan, nalalaman ng mga scammers na meron kang online account sa bangkong ito at mag i-email sila ng link sabay sabi na kailangan mo i-click ito para ma update ang bank details mo
  • Gagawa-gawa sila ng kwento na kailangan mo itong gawin kaagad upang ma proteksyonan nila ang iyong bank account kasi may unauthorized access na ngyayari dito
  • Kapag na i-click mo na yung link, dadalhin ka nila sa isang website na ka parehas ang disenyo ng website ng banko nyo
  • Dun nila hihingin ang mga detalye mo gaya ng username, password, atbp
  • Karamihan sa mga banko ngayon may OTP PIN na kaya malamang hihingin din nila ito sa iyo
  • Kapag na i-submit mo na ang mga detalye mo, pwedeng ma i-transfer nila ang pera mo sa ibang bank account o di kaya’y tuluyan ka ng mawawalan ng access dito

MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MAGING BIKTIMA

  • Putulin agad ang komunikasyon dahil wala namang kwenta ang mga taong ito
  • Siguraduhing legit yung website sa pamamagitan ng pagcheck sa URL. Kung hindi mo ito lubusang naiintindihan, mas mabuting makipag ugnayan ka muna sa banko mo 
  • Walang legit na banko na gumagawa nito, at walang banko na magsasabing ibi-verify ka nila or else mala-lockout yung account mo. Kung gusto nilang i-lock out account mo, gagawin nila yun kaagad

BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?

I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Leave a commentx
eskisehirescort.asia
- deneme bonusu veren siteler