Gagawa-gawa sila ng kwento na para ma “claim” mo yung raffle price na ₱550,000 at kailangan mong mag send ng Eload sa kanilang numero para tatawagan daw nila ang LBC para i-proceso ang napalanunan mo.

HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER

  • Makakatanggap ka ng di kapani-paniwalang text message na ikaw daw ay nanalo sa isang raffle promo from popular shows like Wowowin o anumang kasalukuyang TV show na nagbibigay ng pera
  • Text blast o text spam ang kalamitang ginagamit ng mga scammers kaya nag hihintay lang sila kung sino ang kakagat sa kanilang pain
  • Sasabihin nilang nakuha nila ang mobile number mo sa NTC o National Telecommunications Commission at ang iyong mobile number ang isa sa mga mamapalad na napili para sa “raffle draw”
  • At ikaw naman daw ay nanalo at gagamitin nila ang LBC o anumang courier para maipadala na kaagad ang premyo mo
  • Ngunit kailangan mo munang mag bigay ng Eload sa kanilang numero upang kanilang matawagan ang LBC. Hindi sila papayag na ikaw mismo ang tatawag sa LBC kasi sila lang daw ang dapat gagawa nito 

MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MAGING BIKTIMA

  • Putulin agad ang komunikasyun dahil wala namang kwenta ang mga taong ito
  • Huwag magpadala sa mga kwento-kwento ng mga taong ito. Huwag patulan ang mga walang kwentang text messages at e-block na kaagad ang mga numbers na ito
  • Karamihan sa mga Eload scammers ay hindi kasinghusay gaya ng mga well-trained na credit card scammers at madali lang ma detect ang gawain nila, ngunit wag pa ring magpaka-kampante

BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?

I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Leave a commentx