Makakatanggap po kayo ng email at sasabihing may pending fund transfer at kung hindi ikaw ang gumawa nito, kailangan mo itong pigilan sa pamamagitan ng pag login sa “landbank iaccess” portal.
HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER
- Sa di matukoy na dahilan, makukuha ng scammer ang email address mo at makakatanggap ka ng email na nagsasabing may pending fund transfer na naka schedule na for transfer
- Sasabihin nila na kung ang fund transfer request na ito ay hindi galing sa inyo, kailangan mong mag login sa “landbank iaccess” portal para ikansela ito
- Kapag na click mo yung bogus na website link, mapupunta ka sa isang website na kaparehas ang disenyo at itsura sa totoong website ng Landbank iAccess
- At kapag nag login ka gamit ang iyong username at password, ito’y mare-rekord ng mga scammers at gagamitin para nakawin ang iyong pera o maaaring gamitin as dummy account (money laundering) at iba pang krimen
MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MAGING BIKTIMA
- Huwag padala sa walang kwentang takutang email na ito
- Gamit ang mobile phone mo sa pag browse, minsan mahirap mabasa o tingnan kung legit ba ang URL o link na ibinigay. If this is the case, gamitin nyo po ang iyong desktop computer at basahing mabuhi ang URL o link
- Ang legit na Landbark iAccess web page ay https://www.lbpiaccess.com/
- Kung merong OTP PIN ang Landbank iAccess, ito na ang kahuli-hulihang security barrier mo laban sa mga scammers kaya NEVER po itong ibigay kahit kanino
BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?
I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.