Aalokin kang mag invest na merong too good to be true na interest rate.

HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER

  • Dahil ang scam na ito ay ginagawa face to face, karamihan sa mga scammers na ito ay well-trained,  well-dressed at knowledgeable sa mga bagay-bagay sa mundo
  • Kalamitang dadalhin ka nila sa mga magagara at mamahaling restaurants, hotels o resorts at hindi sila mag-aalinlangang gastusin ang sariling pera para mapabilib kayo at makuha ang iyong tiwala
  • Sa mga restaurants, hotels o resorts na ito, ipapakita nila sa iyo na kilala sila ng mga tao, makikipag usap na para bang palagi silang pumunta duon 
  • Hindi ka nila minamadali upang sumali, pero gagawa sila ng mga kwento-kwento para isipin mong hindi ka nagkakamali kung sakaling sasali ka
  • Gagawa sila ng paraan upang isipin mong espesyal ka at handa silang tumulong sa iyo kung kukulangin ka ng investment money mo
  • Ang mga investments na ito ay nag-aalok ng sobrang taas na mga interest rates at sasabihin nilang “kaya lalong yumayaman ang mga mayayaman dahil nakakaisip sila ng out of the box investments gaya nito”
  • Sa madaling salita, gagawa sila ng kwento-kwento para isipin mong ito na talaga ang pag-asa mong umahon sa buhay
  • Sa sandaling maibigay mo na ng pera, maglalaho na lang sila na parang bula

MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MAGING BIKTIMA

  • Putulin agad ang komunikasyun dahil wala namang kwenta ang mga taong ito
  • Walang matinong investment na magbibigay ng sobrang taas na interest rates. Kung may nasalihan ka dati at nakatanggap ng mataas na interest rate, ibig sabihin dun ay may ibang tao na lumuluha o luluha dahil na scam sila para ipambayad sa iyo
  • Putulin agad ang komunikasyon dahil sa sandaling makuha nila ang loob mo at ikaw ay atat na atat ng mag invest, gagawin mo rin ang lahat para magkapera at maaring huli na ang lahat

BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?

I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.

Leave a comment

Your email address will not be published.