Gagamitin ng mga scammers ang ninakaw nilang credit card details mo sa pagbili ng online raffle ticket o digital products. Mahirap kasi itong e dispute sa bangko kasi considered “delivered” na ang product.

HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER

  • Sa di matukoy na dahilan, nakukuha ng mga scammers ang kumpletong pangalan, credit card number at iba pang mga detalyi na karaniwan ang banko mo lang ang nakakaalam
  • Gamit ang kunting mga detalying ito, tatawagan po kayo gamit ang isang regular na mobile phone number
  • Sophisticated na po ang mga scammers ngayon at makikipag-usap sila sa inyo na para bagang legit na taga banko talaga. Gagamit sila nga mga terms na karaniwang ginagamit ng customer service agents ng banko mo
  • Gagawa-gawa sila ng kwento gaya ng magpapadala daw sila ng vouchers from Shopee o Sudexo o di kaya’y sasabihin nilang they will waive yung annual credit card fees mo
  • Dahil sa mga irresistible offers na ito, sasabihin nilang kailangan nilang e “deactivate or e-cancel” na ang existing credit card mo
  • At para ito’y magawa nila, itatanong nila kung nasa iyo harapan mo ba ang credit card mo, at gagawa sila ng paraan upang makuha ang mga details nito. Halimbawa, sasabihin nilang ipa-dikta ang last 8 digits ng card, tapos biglang sasabihin error sa system kaya kailangang e-dictate mo ang buong 16 digits ng card
  • Gagawa sila ng paraan upang makuha ang expiry date ng iyong credit card sa pamamagitan ng mga kwento-kwento
  • Gagawa sila ng paraan upang makuha ang CVV # sa likod ng card mo. Sasabihin nilang ito’y “batch number” sa halip na tawaging CVV # para ikaw ay malito
  • Malamang, itatanong din nila kung magkano ang credit limit o natitirang laman ng iyong credit card
  • Depende na rin kung saan nila gagamitin ang credit card mo, kadalasan nagpapadala ng OTP PIN ang banko mo sa mobile number para ma confirm ang purchase
  • Ngunit wala ka ng pag-dududa kasi sa simula palang, sasabihin na nilang sa Shopee, Grab o Lazada nila ipapadala ang mga “vouchers” kuno
  • Idadaan ka nila sa kwento-kwento para makuha yung OTP PIN mo. Pag sinabi mong bakit ‘DO NOT SHARE’ naman nakalagay dito, sasabihin nilang okay lang e-share basta sa mga “bank staff”

MGA DAPAT GAWIN KUNG NAIBIGAY MO ANG MGA DETALYI MO SA SCAMMER

  • Putulin agad ang komunikasyun dahil wala namang kwenta ang mga taong ito
  • Tumawag agad sa banko para ma kansela o ma-deactivate yung credit card mo kaagad
  • Sa sandaling nag “ve-verify daw” sila sa mga details mo, ibaba mo na agad ang telepono. Tanging customer service lang ng banko ang gumagawa nito at sa tuwing ikaw mismo ang tumatawag sa kanila
  • Huwag mag bigay ng kahit anong detalye. Teknik ng mga credit card scammers ay litohin ka para ikaw mismo mag bigay ng tamang detalyi sa kanila

BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?

I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Leave a commentx
eskisehirescort.asia
- deneme bonusu veren siteler