Makakatanggap po kayo ng tawag galing sa isang kagalang-galang at kapani-paniwalang “agent” ng Citibank na mag o-offer sayo ng cashback dahil ikaw ay isang mabuting client.
HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER
- Sa di matukoy na dahilan, makukuha ng scammer ang iyong detalye gaya ng phone number o credit card number mo
- Gagawa-gawa sila ng kwento na dahil daw isang kang mabuting client, mabibigyan ka nila ng cashback dahil sa pandemic, and you deserve it
- Dahil gusto lang naman nilang makuha ang nalalabing credit card details na wala pa sa kanilang record, gagawa sila ng kwento upang maibigay mo ang mga ito. Paliliguan ka nila ng iba’t-ibang irresistible offers upang ikaw ay lalong lituhin
- Dahil meron ng OTP PIN features ang mga bangko ngayon, sasabihin nila na may matatanggap kang “verification code” galing sa mismong bangko nyo, at ito’y hihingin nila. Sasabihin nilang pwedeng ibigay ang OTP PIN kung hindi bank transactions ang ginagawa mo, at dahil hindi bank transaction ang cashback pwede mo itong e-share sa kanila
- Babaguhin nila ang mga pangalan ng mga security features ng credit card mo. Ang CVV ay tatawagin nilang “batch number sa pag-process ng rewards” o di kaya ang OTP PIN bilang verification code
MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MAGING BIKTIMA
- Putulin agad ang pakikipag usap sa mga walang kwentang taong ito
- Walang legit na bangko na tatawag sa iyo at hihingi ng mga detalyi for “verification purposes.” Ang verification ay mangyayari lamang kung ikaw mismo ang tatawag sa banko
- Kung may naibigay kang detalyi, tumawag agad sa banko mo upang ipa block ang credit card kasi alam na nila ang mga detalyi nito
- Huwag na huwag mong ibigay ang OTP PIN kasi ito na ang kahuli-hulihang harang para hindi ka ma scam
BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?
I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.