Tatakutin po kayo ng scammer na kapag hindi na “verify” yung account mo, ma lo-lockdown for 60 days.

HUMIGIT-KUMULANG ITO ANG GAGAWIN NG SCAMMER

  • Sa di matukoy na dahilan, makukuha ng mga scammers ang iyong mobile phone number, kumpletong pangalan o address
  • Gagawa-gawa sila ng mga kwento na kapag hindi mo ma “verify” ang account mo agad agad, e lo-lockdown nila for 60 days ang account mo at tuluyan na itong hindi magagamit
  • Para maisagawa nila ang BDO ATM Forgot My Password, gagawa sila ng paraan para makuha yung username mo at last 4 digits ng iyong ATM Card 
  • Kung sakaling makuha nila ang mga detalying ito at kasalukuyong binabago nila ang account password mo, magpapadala ng confirmation o verification code ang BDO para ma confirm kung ikaw ba talaga ang gumawa ng request for change of password
  • Kapag naibigay mo sa kanila ang confirmation o verification code na ito, tuluyan ka ng mawawalan ng access sa sarili mong account dahil nabago na nila ang password mo
  • Ililipat na nila sa ibang account ang pera mo o di kaya’y ibibili ng mga online products sa Internet

MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MAGING BIKTIMA

  • Putulin agad ang komunikasyun dahil wala namang kwenta ang mga taong ito
  • Ang mga legit na bangko ay may kapangyarihang e-lock ang kahit kaninong bank account na nasa kanila. Hindi na ito tatawag pa sa mga kliyente upang ipagbigay alam at ibi-verify nila upang hindi ma-lock
  • Ang mga scammers na ito ay well-trained sa mga takutan, at gagawa sila ng mga kwento kwento na “tutulungan ka daw nila upang hindi ito ma lock” at para magawa nila yun kailangan nilang kumpirmahin na ikaw ba talaga ang legit owner ng account gamit ang mga detalyi mo

BIKTIMA KA RIN BA NG PANLOLOKO?

I-click ang link na ito para ibahagi ang iyong kwento at ma i-feature sa website na ito. Let us help each other defeat the scammers.

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Leave a commentx
eskisehirescort.asia
- deneme bonusu veren siteler