ERIG: Ano Ito at Bakit Minsan Kinakailangan
- Ang mga patnunay na ito ay galing sa San Lazaro Hospital. Subalit karamihan sa mga pampublikong ospital ay may katulad ding pamamaraan pagdating sa ERIG injection
- Ang ERIG ay isang klase ng injection na ibinibigay sa pasyente lalo na yung may malalalim na sugat para magkaroon ng agad-agad na proteksyun laban sa rabies virus. Ang anti-rabies vaccine shots kasi ay nangangailangan ng ilang araw bago ang epekto
- Ang ERIG ay hindi libre, at ito’y binibili mismo ng pasyente sa labas ng ospital
- Ang pagbibigay ng ERIG ay basi sa timbang ng pasyente (approx 5ml per 50 lbs). Kapag medyo mabigat po sya, may posibleng higit isang vial ang kailangan
- Dahil ang ERIG ay basi sa timbang ng tao at may kamahalan ito, pinahihintulutan ng mga ospital na e bahagi o e-benta sa iba kung may sobra sa vial
- Ang isang vial ng ERIG ay naglalaro sa presyong 1,200.00 – 1,300.00 pesos
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
May HRIG din po ba sa inyo?