Kung ikaw ay nakagat o nakalmot ng aso o pusa, at limitado ang budget mo o wala kang health insurance, ito ang iilan sa mga opsyon para makakuha ng libreng anti rabies vaccines.
Libreng Anti Rabies Vaccines
- May mga health centers na nagbibigay ng libreng anti-rabies vaccine mula unang dose hanggang sa huling dose. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng supply ng bakuna at budget ng lokal na pamahalaan ang nagtatakda kung gaano karaming dose ang maibibigay ng libre ng mga ito.
- May ilang health centers din na nagbibigay lamang ng libreng unang dose. Kung mangyari ito, maaari kayong maghanap ng ibang health center kung saan maaari ninyong doon ipagpatuloy ang pagpapabakuna.
- Bago kayo pumunta at magpila sa mga malalaking ospital, magtanong-tanong muna kayo sa inyong lokal na health center.
- May mga ospital din na nag-aalok ng libreng bakuna. Narito ang listahan ng mga ospital na may Malasakit Centers. Lahat ng mga ospital na ito ay nagbibigay ng libre o subsidiadong bakuna.
- Sa mga kaso naman na malalalim na kagat o Category III bite, ang pasyente ay binibigyan ng ERIG o HRIG injection. Karaniwan, ang pasyente mismo ang bumibili nito. Hindi ito tiyak na ginagawa ng lahat ng ospital, kaya’t maaaring may mga ospital na nagbibigay ng ERIG o HRIG ng libre, makipag-ugnayan sa kanila.
- Ang mga pampublikong ospital o health centers ay minsan ring humingi ng maliit na donasyon o bayad para sa mga materyales tulad ng syringe o registration card.
- Sa mga pampublikong pasilidad, inaasahan ang posibilidad ng mahabang pila.
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Find bite centers faster!