Narito ang mga detalye tungkol sa kung magkano ang dapat ihanda para sa anti-rabies vaccine.
Magkano sa pampublikong bite centers
- Ang bayad para sa anti-rabies vaccine ay nagkakaiba, depende sa inyong lokasyon at sa klase ng pasilidad. May mga pampublikong ospital at mga sentro para sa animal bite na nag-aalok ng libreng bakuna. Sa kabilang banda, may mga iba na may bayad, at sa ilang pagkakataon, maaaring kalahati lang ng orihinal na halaga.
- Kung ang kagat ay malalim o malapit sa ulo, kinakailangan ang ERIG vaccine. Ang halaga nito ay umaabot mula ₱1,500 hanggang ₱1,800 pesos, at ang pasyente mismo ang dapat bumili nito. Sa ngayon, wala kaming impormasyon tungkol sa libreng ERIG vaccine. Ito’y isa lamang beses na ini-administer kasabay ng unang bakuna at tetanus shot.
- Ang tetanus shot ay iba rin sa mismong anti-rabies vaccine, at may mga pasilidad na nagbibigay nito nang libre. Ngunit kung sakaling wala silang stock, kinakailangang bilhin ito ng pasyente. Ang halaga ng tetanus shot ay naglalaro mula ₱150 hanggang ₱250 pesos bawat vial. Isang beses lang din itong ibinibigay.
Magkano sa mga pribadong bite centers
- Maraming pribadong animal bite clinics at hospitals na maaring puntahan
- Sa mga pribadong pasilidad, ang bayad para sa bakuna ay umaabot sa pagitan ng ₱500 hanggang ₱800 pesos bawat turok, at karaniwan itong nangangailangan ng apat na turok upang magkaruon ng buong proteksyon.
- Hindi namin maipapahayag ang eksaktong presyo ng anti-rabies vaccine sa mga pribadong ospital, ngunit batay sa mga naririnig namin, ito ay may kamahalan at maaring umabot ng ₱20,000 pesos minsan.
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Find bite centers near you!