Narito ang mga detalye tungkol sa kung magkano ang dapat ihanda para sa anti-rabies vaccine.

Magkano sa pampublikong bite centers

  • Ang bayad para sa anti-rabies vaccine ay nagkakaiba, depende sa inyong lokasyon at sa klase ng pasilidad. May mga pampublikong ospital at mga sentro para sa animal bite na nag-aalok ng libreng bakuna. Sa kabilang banda, may mga iba na may bayad, at sa ilang pagkakataon, maaaring kalahati lang ng orihinal na halaga.
  • Kung ang kagat ay malalim o malapit sa ulo, kinakailangan ang ERIG vaccine. Ang halaga nito ay umaabot mula ₱1,500 hanggang ₱1,800 pesos, at ang pasyente mismo ang dapat bumili nito. Sa ngayon, wala kaming impormasyon tungkol sa libreng ERIG vaccine. Ito’y isa lamang beses na ini-administer kasabay ng unang bakuna at tetanus shot.
  • Ang tetanus shot ay iba rin sa mismong anti-rabies vaccine, at may mga pasilidad na nagbibigay nito nang libre. Ngunit kung sakaling wala silang stock, kinakailangang bilhin ito ng pasyente. Ang halaga ng tetanus shot ay naglalaro mula ₱150 hanggang ₱250 pesos bawat vial. Isang beses lang din itong ibinibigay.

Magkano sa mga pribadong bite centers

  • Maraming pribadong animal bite clinics at hospitals na maaring puntahan
  • Sa mga pribadong pasilidad, ang bayad para sa bakuna ay umaabot sa pagitan ng ₱500 hanggang ₱800 pesos bawat turok, at karaniwan itong nangangailangan ng apat na turok upang magkaruon ng buong proteksyon.
  • Hindi namin maipapahayag ang eksaktong presyo ng anti-rabies vaccine sa mga pribadong ospital, ngunit batay sa mga naririnig namin, ito ay may kamahalan at maaring umabot ng ₱20,000 pesos minsan.
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Find bite centers faster!
Subscribe
Notify of
guest
67 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
Jklhhg
Jklhhg
1 month ago

Lahat naman po mag bibigay ng animal bite card after ng 1st inject?

Alexander Cruz
Alexander Cruz
5 months ago

May alam poba kayong libreng shot ng anti rabbies dito po sa pampanga kasi mag pa inject Po ung asawa ko da JBL San Fernando pampanga 550 Po per shot bali apat na shot Po iyon alam ko po public ospital konti lang po babayaran wala naman Po kasi kming pera

Mxpx
Mxpx
5 months ago

Good Morning po!
Nakagat po aku ng pusa sa may paa at 2 years napu ang nakalipas mga jan. 19 2021 po ako nakagat… Pwede pa ba akung mag pa bakuna kahit matagal na yung cat bite? Salamat

Salve
Salve
1 year ago

Ano Po Ang maaring ipainom o ipakain kung sakaling naka kain Ng laway Ng aso

Anonymous
Anonymous
1 year ago

May nakalmot po yung aso ko,magkano po kaya ang bayad sa inject?

1 3 4 5
67
0
Leave a commentx
eskisehirescort.asia
- deneme bonusu veren siteler -

buy twitch followers

-
deneme bonusu veren siteler
- deneme bonusu veren siteler - Kiralık bahis sitesi