Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na maaring maidulot ng kagat o kalmot ng isang hayop, tulad ng aso o pusa. Kaya’t mahalaga na malaman natin kung ilang araw bago magpaturok ng anti-rabies vaccine upang maiwasan ito at protektahan ang ating kalusugan.
Pumunta Sa Pinakamalapit Na Bite Center
Kapag ikaw ay nakagat o nakalmot ng hayop, isang mahalagang hakbang ang agad na pagtungo sa pinakamalapit na bite center. Ito ay dapat gawin sa loob lamang ng 24 hanggang 48 oras mula nang mangyari ang insidente. Sa bite center, ikaw ay mabibigyan ng anti-rabies vaccine, na nagbibigay proteksyon laban sa rabies virus. Ito ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pag-develop ng rabies infection sa katawan.
Kung ang Kalmot ay sa Ulo o Leeg
Kapag ang kagat o kalmot ng hayop ay nasa bahagi ng ulo o leeg, at wala kang mahanap na bite center para sa kagat ng hayop, mahalaga na dalhin ang biktima sa pinakamalapit na emergency room ng iyong ospital. Ang mga kalmot sa mga sensitibong bahagi ng katawan ay maaaring magdulot ng mas malalang komplikasyon, kaya’t mahalaga ang agarang pagsusuri at pagtanggap ng medikal na atensyon.
Obserbasyon ng Hayop
Matapos ang kagat o kalmot, karaniwang inirerekomenda na obserbahan ang hayop sa loob ng sampung (10) araw. Ito ay isang bahagi ng proseso upang masuri kung ang hayop ay may rabies virus o wala. Gayunpaman, hindi ito dapat maging dahilan upang ipagpaliban ang agarang pagpapabakuna. Kahit na ang hayop ay mukhang malusog sa loob ng sampung araw, hindi nito nangangahulugang walang rabies. Kaya’t mas mainam na magpaturok ng anti-rabies vaccine agad matapos ang insidente para sa agarang proteksyon.