Ang mga patnubay na ito ay galing sa San Lazaro Hospital. Subalit karamihan sa mga pampublikong ospital ay may katulad ding pamamaraan pagdating sa ERIG injection.
ERIG: Ano Ito at Bakit Minsan Kinakailangan
- Ang ERIG ay isang klase ng injection na ibinibigay sa pasyente lalo na yung may malalalim na sugat para magkaroon ng agarang proteksyun laban sa rabies virus. Ito ay dahil ang anti-rabies vaccine shots ay nangangailangan ng ilang araw bago ang epekto
- Ang ERIG ay hindi libre, at ito’y binibili mismo ng pasyente sa labas ng ospital
- Ang pagbibigay ng ERIG ay basi sa timbang ng pasyente (approx 5ml per 50 lbs). Kapag medyo mabigat ang pasyente, may posibleng higit isang vial ang kailangan
- Dahil ang ERIG ay basi sa timbang ng tao at may kamahalan ito, pinahihintulutan ng mga ospital na e bahagi o e-benta sa iba kung mayroong sobra sa vial
- Ang isang vial ng ERIG ay naglalaro sa presyong 1,200.00 – 1,300.00 pesos
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Find bite centers faster!
May HRIG din po ba sa inyo?