- Kumuha ng parking pass (pag may dalang sasakyan) at face masks sa guard at dumiretso sa Emergency Room Triage
- Punan ang form at bayaran ng Php 50.00 ang animal bite card sa cashier
- Punan ang animal bite card at ibigay sa ER Triage
- Maghintay sa waiting area. Itoy’s nasa labas ng ER
- Hintaying matawag ang iyong pangalan tsaka pumunta sa ER para ma tingnan ng doktor. Punan ang form na ibinigay
- Kalamitang binibigay ang anti-tetanus sa unang ineksyon ngunit wag kalimutang sabihin sa doctor kung nabigyan ka na nito. Maaring bilhin ang anti-tetanus sa pharmacy ng hospital o sa labas
- Sunod na binibigay ang PVRV. Ito’y libre kung may ibang kahati. Kung wala, kailangan itong bayaran ng kulang-kulang Php 800.00. Hindi naman mahirap humanap ng kahati dahil sa dami ng bite cases sa ER
- Kasama ang iyong “kahati partner,” pumunta sa pharmacy at hingin ang gamot, tapos balik ulit sa ER para ma ineksyon ang PVRV vaccine
- Kung kailangan bigyan ng ERIG, skin test ang isusunod na procedure. Kung walang rashes makalipas ang 30 minutes, bumalik agad sa loob ng ER para ma bigyan ng ERIG vaccine. Minsan walang stock na ERIG sa pharmacy kaya’t kailangan itong bilhin sa labas. Ang ERIG ay kulang-kulang Php 1,300.00.
- Kunin ang vaccine card at tandaan ang mga susunod na schedules.
- Ang mga susunod na ineksyon ay sa OPD Animal Bite Department na gagawin at hindi na sa ER. Pumunta ng maaga (around 6am) para maka iwas sa maraming tao.
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Find bite centers faster!
Hi! Ask ko lng po yung 2 year old son ko po nacomplete nya yung 4shots na antie rabies last year around august-september then nung taon na ito february nakalaro nya na naman pusa namin at di inaasahan may konting kalmot na naman sa paa pero parang wla lng as in konti lng tlga pina booster ko naman sya nakumpleto nya yung 2shots at eto na ngayun na naman may kalmot na naman sya ng pusa namin. Need paba nya ulit pabooster po? Slamat po!
Bakit po may isang bayan sa Bataan na hindi libre ang vaccine ng anti rabies samantalang halos lahat ng napagtanungan ko na ibang bayan at ibang lugar maaring makalibri?
Ask ko lang po may bayad po ba pag nag pa booster para sa anti rabies sa San Lazaro Hospital ? Magkano po kaya ang magagastos ? Thanks
Hello and thanks for reaching out. Sa pagkaka-alam ko po, libre po yata pag meron kayong kahati. Hindi po ako masyadong familiar sa procedures nila. Visit lang po kayo sa clinic.
San po. May libre ng. Anti rabies shot.
Dito sa muntinlupa libre