Ang pagkakagat o pagkakalmot ng aso o pusa ay maaaring mangyari kaninuman. Ang “nakagat o nakalmot ng aso” ay hindi lamang isang simpleng insidente kundi isang sitwasyong maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan, tulad ng rabies.
Aso: Aksidenting nahawakan ang ilong at bibig ng aso
- Ang rabies ay hindi tumatagos sa buo na balat. Kailangan ng virus ang sugat, mga gasgas o sa mucous membrane upang makapasok sa katawan ng tao.
- Hindi ito naikakalat sa pamamagitan ng dugo, ihi o tae.
Aso at Pusa: Mga dapat gawin pag nakagat o nakalmot
- Hugasang mabuti ang sugat o kalmot ng sabon at tubig sa loob ng sampung (10) minuto.
- Pumunta agad sa pinakamalapit na animal bite center.
Daga: Mga dapat gawin pag nakagat ng daga
- Linising mabuti ang loob at labas ng sugat gamit ang sabon at tubig.
- Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment at saka takpan ng bandage.
- Kung ang sugat ay malalim o nasa bandang ulo, kumunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng antibiotic.
- Karaniwang hindi binibigyan ang anti rabies vaccine ang kagat ng daga ngunit mas mainam pa ring komunsulta sa doktor para sa anti tetanus shot.
Daga: Mga sintomas ng rat bite fever
- Ang rat bite fever ay dulot ng bacteria streptobacillus o spirillum minus. Ito’y nakakamatay kapag pinabayaan.
- Karaniwang sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan na lumalabas sampung araw pagkatapos makagat.
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Find bite centers near you!