Ang pagkakagat o pagkakalmot ng aso o pusa ay maaaring mangyari kaninuman. Ang “nakagat o nakalmot ng aso” ay hindi lamang isang simpleng insidente kundi isang sitwasyong maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan, tulad ng rabies.
Aso: Aksidenting nahawakan ang ilong at bibig ng aso
- Ang rabies ay hindi tumatagos sa buo na balat. Kailangan ng virus ang sugat, mga gasgas o sa mucous membrane upang makapasok sa katawan ng tao.
- Hindi ito naikakalat sa pamamagitan ng dugo, ihi o tae.
Aso at Pusa: Mga dapat gawin pag nakagat o nakalmot
- Hugasang mabuti ang sugat o kalmot ng sabon at tubig sa loob ng sampung (10) minuto.
- Pumunta agad sa pinakamalapit na animal bite center.
Daga: Mga dapat gawin pag nakagat ng daga
- Linising mabuti ang loob at labas ng sugat gamit ang sabon at tubig.
- Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment at saka takpan ng bandage.
- Kung ang sugat ay malalim o nasa bandang ulo, kumunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng antibiotic.
- Karaniwang hindi binibigyan ang anti rabies vaccine ang kagat ng daga ngunit mas mainam pa ring komunsulta sa doktor para sa anti tetanus shot.
Daga: Mga sintomas ng rat bite fever
- Ang rat bite fever ay dulot ng bacteria streptobacillus o spirillum minus. Ito’y nakakamatay kapag pinabayaan.
- Karaniwang sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan na lumalabas sampung araw pagkatapos makagat.
BABALA: Huwag gamitin ang mga patnubay na ito sa pag-diagnose sa sarili. Ugaliing kumunsulta sa doktor.
Find bite centers faster!
Hi po yung anak ko po na 6 years old ay nakalmot ng pusa namin na 3mos old nung nov 20, 2022 ng vaccine po kme erig at natapos po ung session… Now po jan 13 2023 nakalmot po xa ng pusa namin sa ulo kailangan po ba na mgpavaccine ulet
Hi po. Delikado po ba kapag ndi nagdugo yong kagat ng daga.