Naglipana sa Facebook, Twitter at Tiktok ang mga posts patungkol Monkeypox at tinatawag itong isang sexually transmitted disease o STD na kasalukuyang humahawa sa LGBTQ community at men who have sex with men. 1https://bit.ly/3oYEDku
- Ang monkeypox ay hindi STD kundi isang viral zoonotic disease na nanggaling sa mga bansang Central at West Africa
- Naipapasa ito galing sa isang infected na tao o hayop sa pamamagitan ng bodily fluids, sugat o respiratory droplets
Paano maiiwasan ang monkeypox
- Iwasan ang pag yakap, halik, o pakikipagtalik sa mga taong may mga pantal-pantal na parang monkeypox 2https://bit.ly/3P0duIr
- Iwasan ang paggamit sa mga kagamitan ng sa isang tao na pinaghihinalaan na merong monkeypox
- Ugaliing maghugas ng kamay at paggamit ng alcohol o alcohol-based hand sanitizer