Aso: Aksidenting nahawakan ang ilong at bibig ng aso

  • Ang rabies ay hindi tumatagos sa buo na balat. Kailangan ng virus ang sugat, mga gasgas o sa mucous membrane upang makapasok sa katawan ng tao 1https://bit.ly/3uS6O72
  • Ang rabies ay hindi naikakalat sa pamamagitan ng dugo, ihi o tae

Aso at Pusa: Mga dapat gawin pag nakagat o nakalmot

  • Hugasang mabuti ang sugat o kalmot ng sabon at tubig sa loob ng 10 minutes
  • Pumunta agad sa pinakamalapit na animal bite center

Listahan ng mga animal bite centers malapit sa inyo

Daga: Mga dapat gawin pag nakagat ng daga

  • Linising mabuti ang loob at labas sugat gamit ang sabon at tubig
  • Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment at saka takpan ng bandage
  • Kung ang sugat ay malalim o nasa bandang ulo, kumunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng antibiotic
  • Karaniwang hindi binibigyan ang anti rabies vaccine ang kagat ng daga ngunit mas mainam pa ring komunsulta sa doktor para sa anti tetanus shot

Daga: Mga sintomas ng rat bite fever

  • Ang rat bite fever ay dulot ng bacteria streptobacillus o spirillum minus. Ito’y nakakamatay kapag pinabayaan
  • Karaniwang sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan na lumalabas sampung araw pagkatapos makagat

Join the Conversation

82 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

  1. Hello Po pwde paba magpa bakuna Ng anti rabies o anti tetanus kahit lumipas Ng ilang buwan Ang kagat Ng aso at pusa?

    1. Hello po. The rule of the thumb po is to get vaccinated as soon as possible po. Coordinate nalang po kayo sa bite center malapit sa inyo to get an official medical advice.

  2. Hello Po Yung pinsan Kong 1yr old nakalmot Po Ng aso Namin natangalan Ng balat hinugasan na kailangan pa Po ba na IPA anti rabies?

    1. Hello po. Imporante pong mabigyan siya ng anti rabies injection. Dalhin nyo po sa bite center malapit sa inyo.

      1. Sep.22,2022 nakalmot po Ng pusa Ng tita ko itong anak ko sa ilalim Ng kanyang mata medyo nagdugo po ito. Ano pong dapat Kong gawin, nalagyan ko po Ng alcohol ung kalmot ,pinahirapan ko po gamit Ang cotton buds na nilagyan ko po Ng alcohol

        1. Hello po. Since nasa bandang ulo po yan, kailangan nyo po siyang dalhin sa animal bite center po today.

eskisehirescort.asia