Aso: Aksidenting nahawakan ang ilong at bibig ng aso

  • Ang rabies ay hindi tumatagos sa buo na balat. Kailangan ng virus ang sugat, mga gasgas o sa mucous membrane upang makapasok sa katawan ng tao 1https://bit.ly/3uS6O72
  • Ang rabies ay hindi naikakalat sa pamamagitan ng dugo, ihi o tae

Aso at Pusa: Mga dapat gawin pag nakagat o nakalmot

  • Hugasang mabuti ang sugat o kalmot ng sabon at tubig sa loob ng 10 minutes
  • Pumunta agad sa pinakamalapit na animal bite center

Daga: Mga dapat gawin pag nakagat ng daga

  • Linising mabuti ang loob at labas sugat gamit ang sabon at tubig
  • Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment at saka takpan ng bandage
  • Kung ang sugat ay malalim o nasa bandang ulo, kumunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng antibiotic
  • Karaniwang hindi binibigyan ang anti rabies vaccine ang kagat ng daga ngunit mas mainam pa ring komunsulta sa doktor para sa anti tetanus shot

Daga: Mga sintomas ng rat bite fever

  • Ang rat bite fever ay dulot ng bacteria streptobacillus o spirillum minus. Ito’y nakakamatay kapag pinabayaan
  • Karaniwang sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan na lumalabas sampung araw pagkatapos makagat

List of Animal Bite Centers

Join the Conversation

84 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

  1. Hello po. Nakagat at nakalmot po ako mg stray cat nung linggo. Nagpabakuna naman po ako agad kinabukasan. Kasama na po yung erig at tethanus vaccine. Ngayon naman po, nakalmot po ako ng daga sa mukha at dumugo po. Need ko po ba ulit magpa vaccine, di pa po tapos yung 3rd dose ko mula dun sa unang kagat at kalmot sakin ng stray cat. Please reply po. Worried po talaga ako now. Di makatulog

    1. Hello po. Hindi na po kasi covered na rin yan. Just make sure lang po na you will complete the anti rabies vaccine regimen. Careful na po tayo next time.

  2. Hi po,
    Nakagat po ako ng pusang ligaw at sobrang malalim ang pagkakakagat saakin pinadugo ko po at hinugasan ng running water at kinabukasan nag paturok ako ng Anti Rabies at Tetanus, pero hanggang ngayon po yung kagat ng pusa sakin sobrang namamaga namumula mainit at masakit. dapat po ba akong mabahala? maraming salamat po

    1. Hello po. Kung nabigyan na po kayo ng anti tetanus shot at anti rabies vaccine wala na pong dapat ipangamba. Tapusin nyo lang po yung anti rabies vaccine regimen for a full protection. Pero kung mukha pong naiimpeksyon ang sugat (example may nana) balik po kayo sa doktor.

  3. Hello po. Nakalmot po ng aso yung anak ko. Nasugat po siya. Kailangan pa po ba ipa anti rabies ang anak ko? Vaccinated naman po yung aso namin.

    1. Hello po. Hindi na po kailangan pumunta sa bite center at mag pabakuna kung updated and regular naman po yung vaccination ng aso nyo.

  4. Nakagat po ako ng pusa namin noong makaraang araw,medyo malalim po ung sugat at dumugo,uminom agad ako ng ACTIVITED CHARCOLE kasi un po ung ginagamit kapag nakagat ng kahit anong hayop at so far po medyo naghihilom na po ung sugat ko.ok lang po ba na hindi ako nagpa inject?wala namn pong nagyari sakin no any kinds of problem.

    1. Hello po and thanks for reaching out. Punta po kayo sa animal bite center malapit sa inyo para mabigyan ng anti rabies vaccine. Wala pong gamot ang rabies virus, tanging vaccine lang. At huwag nyo na pong hintayin ang “any kinds of problem” kasi po pag nakikita na po ang symptoms ng rabies, wala na pong chance mabubuhay pa ang pasyente.

  5. Nagpa anti tetano at anti rabbies vaccine ako last year april tapos nakalmot ako sa mukha ng pusa nitong nakaraang araw ang sabi saakin mag pa erig daw ako pero mahal at wala namang pera ayos lang po ba ito?

    1. Hello po and thanks for reaching out. Need nyo pong sundin yung recommendation ng bite center. Importante po kasi yung ERIG especially na nasa mukha yung kalmot. Kailangan nyo pong gawan ng paraan po yan.

      1. Nakagat po aq ng pusa sa daliri s paa last year pinadugo q po xa. Pnatandok q po yung cncpcp ung dugo. Pwed pa ba aq magpavaccine? Tnx po

eskisehirescort.asia