TIP: Try searching for “bite clinics near me,” “nakagat ng aso” or click Animal Bite Clinics to see our list.
Aso: Aksidenting nahawakan ang ilong at bibig ng aso
- Ang rabies ay hindi tumatagos sa buo na balat. Kailangan ng virus ang sugat, mga gasgas o sa mucous membrane upang makapasok sa katawan ng tao 1https://bit.ly/3uS6O72
- Ang rabies ay hindi naikakalat sa pamamagitan ng dugo, ihi o tae
Aso at Pusa: Mga dapat gawin pag nakagat o nakalmot
- Hugasang mabuti ang sugat o kalmot ng sabon at tubig sa loob ng 10 minutes
- Pumunta agad sa pinakamalapit na animal bite center
Daga: Mga dapat gawin pag nakagat ng daga
- Linising mabuti ang loob at labas sugat gamit ang sabon at tubig
- Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment at saka takpan ng bandage
- Kung ang sugat ay malalim o nasa bandang ulo, kumunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng antibiotic
- Karaniwang hindi binibigyan ang anti rabies vaccine ang kagat ng daga ngunit mas mainam pa ring komunsulta sa doktor para sa anti tetanus shot
Daga: Mga sintomas ng rat bite fever
- Ang rat bite fever ay dulot ng bacteria streptobacillus o spirillum minus. Ito’y nakakamatay kapag pinabayaan
- Karaniwang sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan na lumalabas sampung araw pagkatapos makagat
Hello po! Last November natapos ko po yung doses ko sa anti- rabies. At ngayon naman pi ay nakalmot po ako ng pusa kaso kakaturok lang po saakin kahapon ng pfiezer. Kailangan ko parin po ba magpa- anti rabbies?
Hello po and thanks for reaching out. Punta lang po kayo sa bite center sa inyo para humingi ng official advice. Dito po sa amin kasi, pag within 3 months po since the last anti rabies vaccination, pwedeng hindi pa magpa booster shot.
Magandang gabe .. .anak kopong 2 yrs old na kagat sya ng pusa pero parang daplis lang po dumugo po sya ng kunti lang tapus ndi kopo sya agad npa turukan at diko napo tanda kung kelan sya na kagat . .pero ung knyang nkagatan po is hilom napo kaso pusa po namin nmatay sinipon po pusa namin may rabies po kaya un thanks po sa sagut
Hello po. Dalhin nyo po siya kaagad bukas na bukas sa bite center.
Hello po! Last November natapos ko po yung doses ko sa anti- rabies. At ngayon naman pi ay nakalmot po ako ng pusa kaso kakaturok lang po saakin kahapon ng pfiezer. Kailangan ko parin po ba magpa- anti rabbies?
Ask lang po me now lang po binuhat ko po kasi yung aso namin para ilabas sa pagbuhat ko po tumama po yung kuku nya sa binti ko ng konti gasgas po? need po ba pavaccine agad?
Hello po and thanks for reaching out. Sabi po ng DOH natin na included po yan, scratch by dog’s nail, ang dapat mag pa vaccine. However, kung vaccinated naman po yung aso, di na kailangan mag pa vaccine. Unfortunately po, I’m not a medical professional kaya please go to the nearest bite center nalang po to get a professional advice whether you need it or not. It’s a case to case basis po kasi and the result of the interview will determine the outcome po.
https://doh.gov.ph/sites/default/files/news_clips/061119-0006.pdf
Good Evening po, tanong ko lang po sana, pwede pa po ba magamot ng anti rabies once na nilagnat na ang nakagat. Sobrang liit lang po ng sugat nya kasi patubo palang po ang ngipin ng tuta namin. Kaka 3months nya palang po at wala pa po syang anti rabies.
Hello po and thanks for reaching out. Dalhin nyo po ang patient sa bite center. Kailangan po syang makita ng doctor at ma assess kahit po tuta pa lang kumagat.
january 12, 2022 mga 1 pm. nakagat ako ng aso o parang nadaplis lang po sa kaliwang binti, napakababaw lang . pero nung pinisil ko, nagdugo po sya ..kailangan ko po ba agad mag paturok ng anti rabbies? kailangan po ba agad agad magpaturok na o obserbahan po muna?
Hello po. Ang protocol po ngayon sa anti rabies injection ay punta na agad sa bite center while observing the dog, and not the other way around. Visit po kayo sa nearest bite center sa lugar ninyo.
Ok lang po ba kahit nung january 10, 2022 nabakunahan ako ng booster shot aztrazenica?
Hello po. Yes po, ganyan din po ngyari sa akin. Ilang weeks lang after sa covid-19 vaccine ko, need kong mag pa anti rabies. Ipag bigay alam lang po sa bite center doctor/nurse na kaka receive nyo lang po ng covid-19 vaccine, but then again, importante po kasi yung bakuna laban sa anti rabies so in most cases, bibigyan ka nun.
Pano po pag kakabooster lang tas nakagat uli ng pusa. Same cat na nakagatan sakin nung last? Okay lang po ba kahit di na magpabooster uli? W
Hello po. Dito po sa amin, as long as hindi pa lagpas ng 3 months since the last vaccination mo, hindi ka nila bibigyan ng panibagong booster shots. But I’m not a doctor po and cannot give you an official medical advice. Mangyaring bisitahin nyo lang po ulit ang bite center malapit sa inyo.
Hello po..nadaplisan lang ako ng ngipin ng tuta namin maliit na maliit lang talaga,habang nagbibigay ako ng pagkain sa kanila..after 4days namatay yong tuta namin,dahil sa nagtatae na may halong dugo..dahil ba kaya sa rabies ang ikinamatay nito?kailangan ko pA po bang magpa vaccine ?please help,salamat