Aso: Aksidenting nahawakan ang ilong at bibig ng aso

  • Ang rabies ay hindi tumatagos sa buo na balat. Kailangan ng virus ang sugat, mga gasgas o sa mucous membrane upang makapasok sa katawan ng tao
  • Ang rabies ay hindi naikakalat sa pamamagitan ng dugo, ihi o tae

Daga: Mga sintomas ng rat bite fever?

  • Ang rat bite fever ay dulot ng bacteria streptobacillus o spirillum minus. Ito’y nakakamatay kapag pinabayaan
  • Karaniwang sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, kirot sa likod at kasu-kasuan na lumalabas sampung araw pagkatapos makagat

Daga: Mga dapat gawin pag nakagat ng daga

  • Linising mabuti ang loob at labas sugat gamit ang sabon at tubig
  • Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment
  • Lagyan ng Providone Iodine (Betadine) at antiboitic ointment at saka takpan ng bandage
  • Kung ang sugat ay malalim o nasa bandang ulo, kumunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng antibiotic

Pusa: Mga dapat gawin pag nakagat o nakalmot ng pusa

  • Hugasang mabuti ang sugat o kalmot ng sabon at tubig sa loob ng 10 minutes
  • Pumunta agad sa pinakamalapit animal bite center

Join the Conversation

6 Comments

Your email address will not be published.

  1. May sumunggan po sken na pusa pero di ko po sure kung nakagat ba talaga ko dahil sa sobrang panic naitaboy ko po agad sya at wala naman pong sugat na dumugo baka di po bumaon yung ngipin nya sa pagkagat dapat parin po ba ako magpaturok kahit walang sugat?

    1. Hello Annalyn. Yung guidelines po about anti rabies vaccine is kagat o kalmot. Kung hindi nyo po pusa yun at hindi ninyo kayang ma obserbahan, mas mabuti nalang po bumisita sa bite center para makausap ang doctor. They will decide if you need vaccine basi sa kanilang nakita sa balat ninyo.