Ang antiretroviral therapy o mas kilala na ARV, ay isang uri ng gamot para sa HIV/AIDS.  Pinipigilan ng ARV ang pagdami ng virus sa katawan upang hindi ito humantong sa AIDS. Ang ARV ay panghabangbuhay na iniinum upang patuloy na pababain at pigilin ang antas ng virus sa katawan. Ang ARV ay tumutulong din upang pasiglahin at palusuging muli ang katawan ng isang taong HIV positive.

ARV: Ang Kahalagahan ng Regular na Pag-inom

Gayunpaman, mahalagang pakatandaan ang regular na pag-inom ng ARV. Kung palagi itong nakakalimutang inumin, bababa ang antas ng medisina sa katawan at magiging aktibo muli ang virus sa katawan. May posibilidad ding hindi na magiging epektibo ang ARV laban sa virus kaya’t kailangan na itong palitan ng ibang kaktel na gamot. Posible na ring maipapasa ang virus sa iba sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

ARV: Mga Hamon sa Regular na Pag-inom

Maaring mahirap tandaan ang regular na pag-inom ng ARV lalo na dahil panghabangbuhay na itong gagawin. Ilan ring mga tao ang nakakaranas ng mga side effects nito gaya ng pagduduwal, pananakit ng ulo, at pagtatae. Meron ding stigma at diskriminasyon sa mga taong may HIV/AIDS na patuloy na nagpapahirap sa paghingi ng tulong at gamot. Pwede ring mahirap i-access ang ARV lalo na sa malalayong lugar dahil sa kakulangan ng mapagkukunan at imprastrakturang pangkalusugan.

ARV: Mga Estratehiya Paano Gawing Regular ang Pag-inom

Isang malaking hamon ang pagsubaybay sa pag-inom ng ARV. Ngunit isa sa epektibong paraan upang magawa ito ay ang paggamit ng pillbox at pag-set ng alarm sa cellphone. Kung ikaw ay nakakaranas ng side effects, huwag lang tumigil ng pag-inom na hindi nalalaman ng iyong HIV counselor. Humingi rin ng tulong o payo sa iyong mga kaibigan, pamilya o sa mga online groups. 

Napakahalaga ang pag-inom ng regular ng ARV upang maging epektibo ito laban sa HIV/AIDS. Sa una, pahirapan itong gagawin, ngunit may mga diskarte na pwedeng subukan upang mapagaan ang hamon na ito. 

List of HIV Testing Centers

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eskisehirescort.asia